Filipino · Poetry

Dead Poets Society 01

KATE

Sa isang kisapmata, ika’y biglang nawala
Subukan mang habulin ngunit ako’y pagod na
Nais ko mang tumigil, dito sa gitna, kung saan mo ko iniwan
Bitbit ang masayang alalang lagi kong binabalikan

Ang malalim na pagtingin kailan nga ba nagsimula
Ito ba’y nung ika’y lumapit, ngumiti at nagsalita
Ngayon sa iyong paglisan na wala manlang paalam
Hindi ko alam kung nakilala ba’y tunay mong katauhan
———————————-

GY

Marami ang dumaraan sa lansangan      araw araw, pero
Ang hiling ko lang ay lingunin mo kahit  sa tanaw
Diba’t naging magkaibigan naman tayo
Ewan ko kung bakit biglang nagkalayo
Lumamang sa isipan ang takot na ika’y  mawala

Marahil ako lang ang nagisip na may  dahilan ang iyong mga salita
Akalang pagasa ay naglahong bigla
Doon na nga lang sa pasilyo na dating  nilakaran
Entablado ng duladulaan na akin ka kahit  sa isipan
Lugar na pinagumpisahan at    pinagwakasan ng mga isipang  nagkatagpuan

———————————-

BON

Larawan ng mga karanasang ating pinagsamahan
Aalalahanin sa oras ng iyong paglisan
Wala ka man ngayon sa aking kandungan
Ako’y maghihintay sa bagong kabanatang pagsasamahan

———————————-

LEI

Isang iglap ito ay nadama
Mga araw ng masasayang alaala
Di ko inakala nasa tabi lang pala sila
Simpleng mga tao busilak, tunay at totoo
Mga problema sandaling nilimot
Saya lamang ang tanging nanuot
Ang tulang ito ay para sa inyo
Sumulat upang ipahatid sa inyo ang mensaheng ito
Mag kasama habang buhay ay hindi maipapangako
Subalit ang tatak ninyo ay hindi maglalaho
Hangang sa muling kabanata mga katoto

Advertisements

One thought on “Dead Poets Society 01

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s