Filipino · Poetry

Withching Hour

Sabi sakin noon matulog ako ng maaga Kasi wala na daw magandang mangyayari pagtapos ng alas dose ng gabi
Pero ngayon akoy gising pa ng alas tres
Inaalala ang bawat detalye ng iyong mukha
Di mawala sa isip ang ngiti mo
Nagiisip kung may pagasa bang ako ang maging dahilan nito
Ngunit tinatalo padin ako ng takot sa isipan na wla naman tlaga akong mapapala
Hindi ka nmn talaga ibibigay sakin o makukuha
Isa ka lang sa napakaraming leksyon na magdadaan at aalis din
Magiiwan lang ng mga bagay na magpapaalala sayo sakin
Hndi ko maitatanggi nagisip ako na may pagasa
Umasa ako na totoo yung mga kwento sa tv at pelikula 
Inisip ko na kung dun nga pwede bakit naman sa akin hindi
Pero mali pala dahil hindi ako napili
Wala sakin ang mga bagay na sayo ay magpapangiti
Isa lang ako sa mga taong titingala sa mga tala at hihiling na lingunin mo at sanay bigyan mo ng pansin
Isa lang ako sa mga tao na dadaanan mo lang pagnagtagal at makakalimutan mo din
Isa lang ako sa mga taong mananampalatayang sana’y gusto mo din ako
Kailan pa ba ko magising sa panaginip ko?
Nakakatawang isipin wala naman kasi akong ginagawang paraan para lang akong si Juan na nagaantay sa ilalim ng puno ng bayabas
Tamad kasi ako
Tamad na ako sa maraming bagay
Tamad na akong umasa
Tamad na akong tumingala sayo at isiping sa huli mahuhulog ka
Tamad nakong isipin na ang katulad mo mapapasakin pa
Tamad na akong lumaban sa mga bagay na alam ko naman na umulit na
Tamad nakong humabol kasi ako ay hingal na
Tamad nakong umpisahan ang mga bagay na una palang alam ko na tapos na
Tama nga wla ng magandang mangyayari pagtapos ng alas dose
Dapat ko na lang itulog to baka bukas pag gising ko maging maliwanag na ang isipan kong gulong gulo na

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s